I
Dilag ng pinakamatamis na ngiti
Sa bayang ito at sa mga karatig pa
May lakip na hinhin ang tawa’t kasiyahan,
Marapat na nahawig ang iyong muhka kay Mona Lisa.
II
Ngayo’y lumisan para sa mas mainam na bukas,
Sa Dublin: kung saan naroroon ang hinaharap
Sayo’y di bagay, buhay ng pasakit at hirap:
Manggagawa sa pabrika: makabagong magsasaka.
III
Anila’y binabantayan ng Diyos ang mabuti,
Nawa’y patnubayan ka Niyang maigi,
Nararapat lang, dahil sadyang ika’y
May pusong totoo, at mukhang kay yumi.
IV
Pag-ibig sa iyo’y hindi ko pinipigil,
Pagkat alam kong kaylanma’y di mapapasa-akin,
Hiling ko ang kabutihan ng iyong liyag,
At sana’y naging ako ang inibig ng kanyang dilag!
========================
Translation by Gemmalyn Priela 2008
– Gemmalyn Priela


Greetings from the far southeast!
Salamat sa pagpaskil nito!
(Thank you for posting this!)
+Gemmalyn+
Thank you for translating it… if you want to do any more send them on and Ill put them up!
Tomás